Ingles Bilang Wika Ng Kaunlaran
- Harriet Domingo
- Sep 30, 2017
- 2 min read

Nang tanungin si Nicholas Thomas ng British Council of the Philippines, tungkol sa relasyon ng Ingles sa Pilipinas ang naging sagot niya ay:
“English has a distinctive place in the Philippine education system, and retaining high standards of English is critically important for the country’s economy and future development. We look forward to working with partners on more initiatives to support the teaching and learning of English here.”
Well, hindi naman maipagkakaila na tama si G. Thomas. Pero hindi kritikal na importante ang Ingles sa sistema ng Pilipinas. May sariling wika, sistema ng edukasyon at kultura tayong mga Pilipino. Kailangan na nilang tigilan ang pagdadahilan na ang wikang Ingles ang wika ng kaunlaran.
Kaunlaran. Isang salitang napakabigat at importante. Pero hindi natin ito napagtutuunan ng pansin bilang isang bansa. Nabulag na tayo sa katotohanang mababa ang wikang Filipino kasi hindi naman ito ang susi sa kaunlaran.
At medyo nabahala ako sa isang pananaw… “Our future teachers should ensure that English is a means of communi-cation, rather than a set of facts to be learned,” ayon kay Rosario Alonzo. Nakalulungkot na pati ngayon, Ingles na ang sa tingin ng ibang tao na dapat nating gamitin bilang midyum ng komunikasyon. Paano na lamang ang mga taong naghirap para sa kalayaan ng Pilipinas?
Ang ating wika ay simbolo ng ating kalayaan. Ito ang simbolo ng kakayanan nating magpatakbo ng ating sariling bansa. Pero ang nangyayari, unti-unti na tayong nabubulag. Ating alalahanin ang dalawang taludtod mula sa tula ni Gat Andres Bonifacio na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.”
“Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.”
“Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusing itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid, Ito'y kapalaran at tunay na langit.”
Kaya nama’y sana’y huwag natin tuluyang patayin ang wikang Filipino. Ito’y gawa ng Pilipino para sa Filipino. Ipamana natin ito sa mga susunod na henerasyon. Gumising kapwa ko Pilipino! Gamitin ang Filipino!
TUGON! FilipiYES! Sanggunian:
http://opinion.inquirer.net/90293/state-of-english-in-ph-should-we-be-concerned#ixzz4t14aGuaN
“… English is critically important for the country’s economy and future development.”EndFragment
Comments