top of page

Filipino, Wika ng Madlang Pilipino

  • Harriet Domingo
  • Sep 30, 2017
  • 2 min read

Isinusulong dimuano ng ibang mga lokal na grupo sa Pilipinas ang implementasyon ng Filipino bilang opisyal na midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Ano namang mali dito? Sa ganang akin, wala.


Filipino ang ating wikang pambansa. Ang wikang nagbibigkis sa kalahatan ng Pilipinas. Ewan ko ba bakit hindi ito kayang maipatupad ng ating pamahalaan. Aking tunay na ikagagayak ang pag-iimplementa rito. Ang problema nga, maraming tutol. Napakaganda ng wikang Filipino. Ito’y katangi-tangi sa lahat at iba pang mga wika. Ito’y isang wikang mapagpalaya, na hindi ikinukulong ang kanyang mga mamamayan.


` Ayon nga kay Dr. Flores ng UP Diliman, mayroon nang mga librong nakasulat sa Filipino na ang mga nilalaman ay tungkol sa siyensya, biyolohiya, at botaniya. Ito’y isang pagpaptuanay na pwede ring gamtiin ang Filipino sa iba pang larangan ng edukasyon. Hindi naman kasi ibig sabihin nito na Filipino lang, sa totalidad, ang maaaring gamitin ng karamihan. Mapagpalaya nga kasi ang Filipino. Hindi ito basta Tagalog, o anumang wikang katutubo. Lalo na, hindi ito isang wikang banyaga. Ito’y pinaghalo-halong mga wikang katutubo at banyaga na ang basehan ay Tagalog.


Walang mawawala sa atin kung ito ang ating gagamitin. Mas mapapalawak natin ang ating mga kaalaman. Mas mapapalawak natin ang wikang Filipino. Kailangan na nating mabahala. Ayon nga kay Dr. Flores, “Filipino language is becoming more marginalized because it is not being used in science and math and engineering. So the societal view that when you use Filipino, your knowledge is weak, and that you know less,”. Kita mo? Napag-iiwanan na ang ating mahal na wika. Huwag nating kalilimutan ang mga salita ni gat Andres Bonifacio.


“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.”


“Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan.”


Kailangan na nating umaksyon. Itulak ang pag-iimplementa sa edukasyon ng wikang Filipino!


TUGON! FilipiYES!


Sanggunian:

https://www.untvweb.com/news/groups-push-to-make-filipino-language-the-primary-medium-of-instruction-in-schools/

“Filipino language is becoming more marginalized…”

EndFragment

 
 
 

Comments


  • Facebook

©2017 by FilipiYES. Proudly created with Wix.com

bottom of page